2 ‘narco-gens’ swak sa mga kaso

Inihayag ng Napolcom na napatunayang may “probable cause” upang kasuhan sina Police Director Joel Pagdilao at Quezon City Police District Director Chief Supt. Edgardo Tinio.  Michael Vargas

Pero walang ebidensya na protektor ng droga 

MANILA, Philippines – Inamin kahapon ng panel ng National Police Commission (Napolcom) na humahawak sa imbestigasyon laban sa mga “narco-generals’ na wala silang direkta na ebidensyang hawak na magdidiin laban kina Police Director Joel Pagdilao at Quezon City Police District Director Chief Supt. Edgardo Tinio bilang mga protektor ng sindikato ng illegal na droga sa bansa.

Sa kabila nito, inihayag ng Napolcom na napatunayang may “probable cause” upang kasuhan sina Pagdilao at Tinio.

Ayon kay Atty. Johnson Reyes, hepe ng Inspection, Monitoring and Investigation Services (IMIS) ng Napolcom, ang hawak nilang ebidensya para sampahan ng kaso ang dalawang nabanggit na mataas na opisyal ay “serious neglect of duty”, “serious irregularity in the performance of duty” at “conduct” of unbecoming of an officer and a gentleman.”

Sa sandali aniyang mapatunayan na nagkasala sa nasabing kaso, at ang findings ay dismissal, ang mga benepisyo at eligibilities ng dalawang aktibong heneral ay mawawala.

Bilang patakaran, sabi pa ni Reyes, ang dalawang Ad Hoc Committees ay bubuo para dinggin ang kaso nina Pagdilao at Tinio.

Show comments