Pinas walang gastos sa Miss U - Abella

Magugunita na nag-courtesy call kay Pangulong Duterte si Miss Universe Pia Wurtbach kasama si Sec. Teo sa Malacañang kung saan ay sinubukang kumbinsihin ni Pia ang Pangulo na pumayag na ma­ging host ang Pilipinas ng beauty pageant na gaganapin sa susunod na taon pero hindi nakumbinsi ang chief executive dahil sa malaking gastos nito. Instagram / Pia Wurtzbach

MANILA, Philippines - Siniguro kahapon ng Malacañang na walang gagastusin ang gobyerno sa pagiging host ng Pilipinas sa Miss Universe 2016 na gaganapin sa bansa sa Enero 30, 2017.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang private sector ang gagastos sa pagiging host ng bansa sa 2016 Miss Universe kaya walang magiging gastos ang gobyerno kundi magkakaloob lamang ng seguridad.

“The President was assured that the PH will not spend a “single centavo” apart from services,” paliwanag pa ni Sec. Abella sa media briefing.

Inanunsiyo kamakalawa ni Tourism Sec. Wand Teo na opisyal nang magiging host ng 2016 Miss Universe ang Pilipinas na gaganapin sa Enero 30, 2017.

Magugunita na nag-courtesy call kay Pangulong Duterte si Miss Universe Pia Wurtbach kasama si Sec. Teo sa Malacañang kung saan ay sinubukang kumbinsihin ni Pia ang Pangulo na pumayag na ma­ging host ang Pilipinas ng beauty pageant na gaganapin sa susunod na taon pero hindi nakumbinsi ang chief executive dahil sa malaking gastos nito.

Dalawang dekada na ang nakakaraan ng maging host ng Miss Universe ang Pilipinas noong 1994 at unang naging host ito noong 1974.

Show comments