EDCA, constitutional! - SC

MANILA, Philippines – Idineklara nang constitutional ng Korte Suprema ang kontrobersyal na Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Ito ay makaraang ibasura ng SC ang “motion for reconsideration” na inihain ng mga grupong Bayan, Bayan Muna Partylist at ni dating Senador Rene Saguisag. 

Matatandaan na nilagdaan ni dating Pangulo Benigno Aquio III, ang EDCA  noong Abril,2014 nang bumisita sa bansa si U.S. President Barack Obama.

Sa desisyon ng SC, kinilala nito ang kapangyarihan ng Pangulo ng bansa na pumasok sa isang executive agreement na may kinalaman sa foreign military bases salig sa itinatakda ng Article 18, Section 25 ng 1987 Constitution na naging dahilan kaya ibinasura ang mga petisyon na kumukwestiyon sa EDCA.

Sa ilalim ng nasabing probisyon sa Saligang Batas, pinapayagan ang Pangulo ng bansa na pumasok sa isang executive agreement na may kinalaman sa foreign military bases kung ang kasunduan ay pagpapatupad lamang ng umiiral nang batas o tratado.

Ayon sa SC, ang EDCA ay isang executive agreement para sa pagpapatupad ng mga tratado na nagpapahintulot ng presensya ng mga dayuhang sundalo o dayuhang military facility sa bansa. Ang nasabing mga tratado ay ang Visiting Forces Agreement at Mutual Defense Treaty.

Show comments