BASAHIN: Hatol ng Korte Suprema sa kasong plunder ni Arroyo

MANILA, Philippines — Pinawalang sala nitong Martes ng Korte Suprema si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo sa kasong plunder kaugnay ng maanomalyang paggamit ng intelligence funds ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

Inilabas ng mataas na hukuman ngayong Huwebes ang kabuuan ng desisyon kung saan sa botong 11-4 ay pinaborn ng mga hukom si Arroyo upang makalaya.

Sinabi ng korte na hindi napatunayan ng Sandiganbayan na nagkasala ang mga akusadong sina Arroyo, at Benigno Aguas.

BASAHIN: Arroyo laya na!

“The prosecution did not properly allege and prove the existence of conspiracy among petitioners Arroyo, Aguas and Uriarte,” nakasaad sa hatol ng Korte Suprema.

“The prosecution failed to prove the predicate act of raiding the public treasury because it failed to prove that petitioners Arroyo and Aguas, as public officers, had benefitted from the act.”

Ikinulong si Arroyo noong 2012 dahil sa anomalya sa pondo ng PCSO kung saan na-hospital arrest siya sa Veterans Memorial Medical Center.

BASAHIN: 'Duterte walang kinalaman sa pagpapalaya kay Arroyo'

Basahin ang kabuuang desisyon:

Show comments