PANOORIN: Panunumpa ni Duterte bilang ika-16 na pangulo ng Pilipinas

Nanumpa bilang ika-16 na pangulo ng Pilipinas si Rodrigo Duterte ngayong Huwebes, Hunyo 30, 2016 sa Malacan sa Maynila. Malacanang photo

MANILA, Philippines — Nanumpa na bilang ika-16 na Pangulo ng Pilipinas si dating Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa Malacañan Palace sa Maynila ngayong Huwebes.

Sinimulan ni Senate President Franklin Drilon ang inagurasyon sa pagbabasa ng joint resolution ng Kamara at Senado para iproklama bilang "duly elected president and vice president of the Philippines" sina Duterte at Leni Robredo.

Nanumpa si Duterte kay Supreme Court Associate Justice Bienvenido Reyes sa harap ng 627 guests ng Rizal Ceremonial Hall.

Sa kaniyang mensahe sa publiko ay nabanggit ni Duterte ang sakit ng bayan tulad ng katiwalian, krimen, bentahan ng ilegal na droga at hindi pagsunod sa mga batas.

Si Duterte ang kauna-unahang Panguo mula sa Mindanao at galing sa local position.

BASAHIN: Kris ‘all the way’ ang suporta kay Duterte


WATCH Rodrigo Duterte takes his oath as the... by philstarnews

Show comments