Mar kay Poe: Usap tayo

MANILA, Philippines — Nanawagan si Liberal Party standard bearer Manuel "Mar" Roxas ngayong Biyernes kay Sen. Grace Poe para sa pagkakaisa sa kabila ng pangunguna ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa survey.

Sinabi ni Roxas na nagbabadya na naman ang pagdating ng diktadurya kaya naman inaalala niya ang kahihinatnan ng bansa.

“Mas mahalaga ang kinabukasan ng ating bansa, kinabukasan ng ating mga kababayan, kaysa political career ng kahit sinomang politiko o kandidato,” pahayag ni Roxas sa pulong balitaan sa Liberal Party headquarters sa Cubao, Quezon City.

“I call for unity. I call for decency. I call for democracy. I call for the rule of law. I call on Sen. Grace Poe,” dagdag ni Roxas.

Nasa ilalim ni Duterte sina Poe at Roxas sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations at Pulse Asia.

May ilang grupo na ang nananawagan sa pag-atras na alinman kina Roxas at Poe upang lumakas ang boto laban kay Duterte.

"Sen. Grace, mag-usap tayo. I will adjust schedules to your convenience," patuloy ni Roxas.

"Let's talk. This is for unity, our country and this is for our future.”

 

Show comments