UP nag-top sa Bar

MANILA, Philippines – Nanguna ang  University of the Philippines sa  2015 Bar Examinations sa katauhan ni Rachel Angeli Miranda na nakakuha ng  87.40 percent. Nasa 26 percent lamang o  1,731  ang pumasa sa 6,000 kumuha ng pagsusulit  na may passing grade na 75 percent. 

Magugunitang apat na linggong isinagawa ang pagsusulit sa University of Santo Tomas noong nakaraang taon.

Ilan pang nasa top 10 Bar exam passers ay sina  Plaza, Athena C. ng University of San Carlos, 87.25; Aguilar, Jayson C., UP  86.75;  Arceo, Reginald M. ng Ateneo de Manila University , 86.70; Anderson, Mandy Therese M. ng Ateneo de Manila University, 86.15;  Hernandez, Giselle P. UP, 86.10;  Bustamante, Darniel R. ng San Beda College Manila  85.90; Jacildo, Jecca B. ng University of San Carlos, 85.85; Laut, Soraya S. ng Xavier University, 85.85; Tiu, Jericho R. ng Ateneo de Manila University, 85.85; Hernandez, Jedd Brian R. ng UP, 85.80 at  10. Buenaventura, Ronel U. ng Bulacan State University, 85.75.

Show comments