Endo tutuldukan ko - Cayetano

MANILA, Philippines - Nanindigan si Vice Presidential Candidate Alan Peter Cayetano na gaya ng kampanya nito laban sa korupsyon ay mayroon din itong political will para tuldukan na ang contractualization na syang pahirap sa mga manggagawa.

Sinabi ni Cayetano na kung mailuluklok ito sa pwesto ay isusulong nito ang mga paraan para agarang mabasura ang contractualization o ang 5 hanggang 6 na buwan na trabaho ng mga manggagawa at hindi na muling nirerenew ang kontrata para iwas ang mga employer sa pagbibigay ng bonus at mga benepisyo gaya ng 13th month pay.

“While the other candidates in the upcoming polls continue to make empty promises, Mayor Duterte and I will just do it, we will get things done to create real changes for poor Filipino workers,”giit ni Cayetano kung saan plano umano nila ng katandem na si Presidential candidate Davao City Mayor Rodrigo Duterte na magpalabas ng Exe­cutive Order na magbabawal sa labor-only contracting.

Magpapasa din umano ng urgent bill para magkaroon ng security of tenure ang mga manggagawa at ang lalabag ay papatawan ng malaking parusa.

Giit pa ni Cayetano na may plano na para sa pagbabago sa paghahanapbuhay ng mga manggagawa at handa nila itong ipatupad sa oras na maluklok sa pwesto sa nalalapit na eleksyon.

Show comments