1 pang hacker ng Comelec website timbog

MANILA, Philippines — Hawak na ng National Bureau of Investigation ang ikalawang suspek sa pangha-hack ng website ng Commission on Elections (Comelec).

Nasakote ang 23-anyos na si Jonel de Asis, isang information technology graduate at sinasabing mastermind sa ginawang hacking noong Marso.

Kinuha rin ng NBI ang personal computer at cellphone ni de Asis matapos siyang arestuhin sa kaniyang bahay sa lungsod ng Muntinlupa.

Ang suspek rin ang itinuturong nag-upload ng mahahalagang detalye ng nasa 55 milyong botante sa internet.

Nauna nang nadakip si Paul Zulueta nitong nakaraang linggo.

 

Show comments