De Lima kay Duterte: Solusyon hindi daldal

MANILA, Philippines – Hinamon kahapon ni Liberal Party (LP) Senatorial bet Leila de Lima si presidential candidate Davao City Mayor Rodrigo Duterte na maglatag ng solusyon sa ating mga bilangguan sa halip na sisihin ang kasalukuyang administrasyon.

“It is not true that the Aquino Administration did not do anything in fixing the Correctional system. The Oplan Galugad as it is, set a trend in curbing corruption in the government’s prisons,” wika ni de Lima.

Aniya, katunayan ay siya mismo ang nanguna ng salakayin nila ang New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City noong Disyembre 2014, na tinawag na Oplan Galugad at hanggang sa ngayon ay ipinapatupad pa.

Ang pagsalakay ayon pa kay de Lima ay nagresulta naman ng pagkakumpiska ng mga shabu, armas, pera, mga gadgets at iba pang ipinagbabawal.

Idinagdag pa ni de Lima, ang mga ito ay bahagi ng mga reporma nilang ipinatupad noong siya pa ang kalihim ng Department of Justice  (DOJ).

“This resulted in the confiscation of illegal items and proceeds from their crimes, as well as isolation of high profile inmates. We also demolished the kubols they set up. We then had a new security facility for these high profile inmates,” dagdag pa nito.

Sinabi pa nito na may mga natanggal din tauhan ang Bureau of Corrections (Bucor) at nagdagdag din sila ng sahod at benipis­yo sa mga kawani ng Bucor at ang balak na ilipat  ang NBP sa Nueva Ecija.

Show comments