^

Bansa

Coco farmers sumuporta kay Grace at Chiz

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagpakita ng nagkakaisang suporta ang malalaking grupo ng coconut farmers sa buong kapuluan na kabilang sa Confederation of Coconut Farmers’ Organizations of the Philippines or CCFOP na sumasakop sa 90 porsyento ng sector ng organisadong magsasaka ng niyugan kina Senators Grace Poe and Chiz Escudero.

Ito ay sa kabila ng ginawang pagbanat ng administrasyon sa presidential tandem ng Galing at Puso na si Grace at Chiz na nagpahayag ng kanilang pagkontra sa balak na pribatisasyon ng mga coco levy assets. 

“Malugod naming tinatanggap ang pagsuporta sa amin ni Grace at Chiz na nagpapakita ng kanilang malalim na pang-unawa sa kalagayan ng mga magsasaka sa niyugan at sa patuloy naming paghahangad ng katarungan,” tinuran ni Ka Efren Villasenor, Chairman ng CCFOP.

Ang CCFOP ang orihinal na naghain ng petisyon sa Korte Suprema para kontrahin si Presidente Pnoy sa pagpapatupad ng anila ay “illegal Executive Orders 179 at 180” kunsaan ay magkakaroon ng imbentaryo sa assets ng coco fund para ito ay maipasubasta sa pribado (E0 179) at pag­lilipat ng pondo para sa ibang gastusin (EO 180).

Nagalak ang mga magsasaka sa ginawang pagkatig sa kanila ng Supreme Court na nagpatigil sa dalawang executive orders dahil hindi na magagalaw pansamantala ng administrasyong Aquino ang malaking pondo para sa eleksyon at suporta sa Liberal Party.  

Sinisisi ng grupo si dating Presidential Adviser “Kiko” Pangilinan na siyang nagpanukala ng nasabing mga executive orders.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with