Tolentino, simbolo ng pagkakaisa

Sa kabila ng mainit na pulitika sa Cavite, ipinagmalaki ni dating MMDA Chairman Francis Tolentino na nagawa niyang pagkaisahin ang mga political groups sa lalawigan upang suportahan ang kanyang kandidatura bilang senador. Philstar.com/AJ Bolando

MANILA, Philippines - Sa kabila ng mainit na pulitika sa Cavite, ipinagmalaki ni dating MMDA Chairman Francis Tolentino na nagawa niyang pagkaisahin ang mga political groups sa lalawigan upang suportahan ang kanyang kandidatura bilang senador.

Unang umarangkada ang kampanya ni Tolentino sa senatorial seat sa pamamagitan ng motorcade sa Cavite, ang kanyang home province kasama ang mga lider ng lalawigan partikular sina Cong. Jonjon Ferrer, Gov. Jonvic Remulla at Vice Gov. Jolo Revilla.

Kasama rin ni Tolentino sa kanyang kampanya ang inang si Elena, mga kapatid na sina Annalyn at Cong. Bambol.

Sinamahan din si Tolentino ng kanyang mga tagasuporta sa programa sa Tagaytay City hall matapos ang misa sa Pink Sisters Convent.

Nakiisa rin ang iba’t ibang grupo at sectoral organizations sa Cavite sa motorcade ng may 100 sasakyan na dumaan sa Silang, Carmona, GMA, General Trias, Tanza, Naic, Maragondon, Indang at Mendez.

Si Tolentino ay nagsilbing alkalde sa Tagaytay sa loob ng tatlong termino.

Sa kanyang limang taong panunungkulan bilang MMDA Chairman, nakuha ni Tolentino ang suporta ng Metro Manila Mayors sa kanyang mga programa partikular ang pagkakaisa sa mga proyekto ng Metro Manila council.

Dahil dito, pinapurihan si Tolentino ng mga political observers at management practitioners dala na rin ng kanyang kakayahan na pagkaisahin ang kanya-kanyang hari ng mga lungsod at bayan sa ka­lakhang Maynila.

Show comments