100 locators sa Hots Clark Jobs Fair 2016

PAMPANGA, Philippines – Ilulunsad ng Clark Development Corporation (CDC) ang Hots Clark Jobs Fair 2016 na lalahukan ng 100 locators sa Pebrero 25, 2016.

Ayon kay Nicanor Targa,  Special Concern Department ng CDC, magkakaroon ng free skills training registration, unlimited photo sa mga aplikante at employment consultation katuwang ang DOLE, SSS, PhilHealth at ang Pag-ibig Funds.

Malaki ang maitutulong ng job fair sa nag­hahanap ng maayos na trabaho lalo na sa mga residente sa Pampanga at karatig lalawigan sa Central Luzon.

Ayon naman kay Rommel Narciso, assistant vice president for external affairs ng CDC,  mas maraming aplikante ang inaasahang mapapabilang sa dumaraming nagkatrabaho sa Clark Freeport kaya tinatawagan nito ang mga professional graduates, vocational graduates, under graduates, at mga high school graduates.

Magsadya lamang sa Robinson Place Event Center sa Barangay Balibago, Angeles City, Pampanga sa ganap na alas- 8:30 ng uma­ga hanggang alas-6 ng gabi.

Para sa mga dadalong aplikante, may naghihintay na pa-premyo at mga regalo.

Show comments