^

Bansa

Mar-Leni campaign larga na

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - “No place like home” ang tema ng simula ng kampanya ng Tamba­lang Daang Matuwid nina Mar Roxas at Camarines Sur Rep. Leni Robredo ngayong araw para sa kick off event ng Partido Liberal sa Capiz Gymnasium.

Kumpleto rin ang mga pambato sa Senado ng dalawa, sa pangu­nguna ni incumbent Se­nate President Franklin Drilon. 

Ayon kay Daang Matuwid Coalition spokesperson Barry Gutierrez pagbibigay pugay ito ni Roxas sa kanyang pinagmulan, lalo na nga­yong tumatakbo siya sa pinakamataas na puwesto. 

Tiyak na rin ang pagdating ng pinakabigating endorser ni Roxas na si Pangulong Aquino na dadalo upang sigu­raduhin ang suporta para kay Roxas at Robredo. 

Nauuna nang dinek­lara ni PNoy ang kanyang balak na umikot at mangampanya para sa dalawa dahil naniniwala itong sila lamang ang makakapagsilbi ng matino at mahusay sa mga Pilipino.

Inaasahang mainit ang magiging pagtanggap ng mga kasimanwa o kababayan ni Roxas sa kanya at mga kapartido. Ipinagmalaki ng mga lokal na opisyal ng Roxas City na handa na sila para sa todo suporta kay Roxas. 

Mahigit 10,000 suporter ng Roxas-Robredo tandem ang inaasa­hang dadalo.

Matatapos ang linggo ng kick off ng dalawa sa Naga, ang tahanan ni Robredo at ng kanyang namayapang asawa, dating DILG Secretary at matalik na kaibigan ni Roxas na si Jesse Robredo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with