Bongbong magre-referee kina Roxas at Duterte

MANILA, Philippines – “Puwede akong mag-referee.”

Ito ang pabirong reak­siyon ni Sen. Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sakaling totohanin nina Pre­sidential aspi­rants Manuel Roxas II at Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang kanilang “sampalan match.”

Ang pabirong salita ni Marcos ay kanyang sinabi noong Martes ng gabi nang hingian ito ng komento ng mga mamamahayag matapos siyang magtalumpati sa ika-63 National Assembly ng League of Vice Go­vernors of the Philippines na ginanap sa Marriot Hotel, Pasay City.

Pero seryosong sinabi nito na ang palitan ng maaanghang na salita ng mga magkakatunggali ay hindi na bago sa halalan lalo na sa isang Presidential election.

Inaasahan umano nito na lalong iinit ang mga patutsadahan sa isa’t isa ng mga magkakatunggali pagsapit ng campaign period.

Show comments