PNoy bigong iangat ang buhay ng mahirap – Gatchalian

MANILA, Philippines – Nabigo si Pangulong Aquino na tuparin ang kanyang pangako na magkaroon ng ‘inclusive growth’ upang maia­ngat ang buhay ng mahihirap sa bansa sa kanyang termino.

Ayon kay Valenzuela City Rep. Win Gatchalian ng Nationalist Peoples Coalition (NPC), ang kawalan ng commitment ni Pangulong Aquino na iangat ang sektor ng agrikultura ay napatunayan dahil sa mas mababa sa 1 percent growth na naitala ng Philippine Statistics Office (PSO).

Sabi ni Gatchalian, kahit sabihing nakamit ang 7.3 percent mula sa 5.6 % sa services sector ay umabot lamang sa .4 percent mula sa 2.6 % ang agricultural sector kumpara sa nakaraang taon.

Aniya, malinaw na naiwan pa din ang mga magsasaka, mangingisda sa pag-unlad kahit tumaas ang GDP ng bansa na umabot sa 6.8 percent.

Idinagdag pa ni Gatchalian, ang susunod na gobyerno ay dapat siguruhin ang inclusive growth upang makasabay sa pag-unlad ang kabuhayan ng mahihirap na magsasaka at mangingisda.

“Economic growth that neglects the majority of the po­pulation, especially the poor, is obscene. The govern­ment exists to make sure everyone, especially the poor, has equal access to resources. Nobody should be left behind,” paliwanag pa ng kandidatong senador ng NPC sa 2016 elections.

Ipinunto pa ni Gatchalian, ang sector ng agrikultura ay ang pinakamalaking bilang ng trabahador sa bansa kasunod ang services sector.

Naniniwala din si Gatchalian, sa ilalim ng Grace Poe presidency ay walang maiiwang Filipino sa pag-unlad bagkus ay sabay-sabay at sama-samang aangat ang buhay.

Show comments