PDP-Laban ipinakilala si Duterte na standard-bearer

MANILA, Philippines — Idineklara ngayong Lunes ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) si Davao City Mayor Rodrigo Duterte bilang kanilang standard-bearer sa 2016 national elections.

Pinangunahan ni PDP-Laban chairman Sen. Aquilino "Koko" Pimentel III ang pagpapakilala sa kanilang mga kandidato na sina Duterte at ang kaniyang running mate Sen. Alan Peter Cayetano.

"I never expected this even in my wildest dreams," pahayag ni Duterte sa kaniyang talumpati.

Nitong Biyernes ay inihain ni Duterte ang kaniyang certificate of candidacy (COC) sa pagkapangulo sa pamamagitan ng isang representative.

Sa parehong araw ay iniatras niya ang kaniyang COC sa pagkaalakalde ng Davao.

Pinalitan ng alkalde si anti-corruption advocate Martin Diño na iniatras ang kandidatura upang bigyang daan ang pagtakbo ni Duterte.

 

Show comments