Bagyo sa labas ng PAR lumakas pa

MANILA, Philippines – Lumakas pa ang bagyong nasa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) na may international name na In-Fa.

Huling namataan ang bagyo sa layong 2,350 km sa silangan ng Mindanao.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 140 kph at may pagbugsong 170 kph.

Kumikilos ito pakanluran, hilagang kanluran sa bilis na 20 kph.

Malaki umano ang tyansang umabot sa super typhoon ang taglay nitong lakas.

Kapag nakapasok sa PAR, ito’y tatawaging bagyong Marilyn.

Gayunman, hindi naman umano ito tatama sa alinmang bahagi ng kalupaan ng Pilipinas kung magpapatuloy sa kasalukuyang takbo, ayon sa PAGASA.

Inaasahang papasok ito sa bansa sa Linggo ng gabi o Lunes ng umaga.

Show comments