Barangay health workers tutukan - Robredo

MANILA, Philippines – Kinilala ni Liberal Party vice presidential candidate Leni Robredo ang mahalagang papel ng barangay health workers sa buong bansa sa pagpapanatili ng kalusugan ng mga Pilipino, lalo na sa malalayong lugar.

Iginiit ni Robredo na sa kabila ng kahalagahan ng barangay health workers ay hindi ito nabibigyan ng tamang pansin at benepisyo.

Sa Kongreso, inihain ni Robredo ang House Bill No. 5005 o ang Barangay Volunteer Workers Act na layong magbigay sa barangay health workers ng P1,500 buwanang allowance.

Nais din ni Robredo na bigyan ang barangay volunteer workers ng PhilHealth coverage, libreng medical check up sa government hospitals at training sessions sa human rights, disaster response at risk reduction.

Bibigyan din ang barangay volunteer workers ng libreng serbisyong legal para sa mga kasong nag-ugat sa pagganap nila ng tungkulin.

 

Show comments