Poe binigyan pa ng 10 araw ng Comelec

Senador Grace Poe. Philstar.com/File  

MANILA, Philippines – Binigyan pa ng 10 araw ng Commission on Elections law department si Senador Grace Poe upang isumite ang kanyang counter-affidavit bilang tugon sa disqualification case na inihain ng natalong 2013 senatorial candidate na si Rizalito David. Ayon kay Atty. George Garcia, legal counsel ni Poe, nagbigay ng ‘oral order’  ang  hearing official  ng Comelec’s law department kung saan pinapayagan pa ang senadora na makapagsumite ng  kanyang counter-affidavit sa loob ng  10 araw.

Show comments