Tambalang Santiago-Marcos kasado na!

Nagpost sa kaniyang Twitter account si Sen. Bongbong Marcos ng kanilang larawan ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na ngayo'y katambal niya para sa 2016. Twitter

MANILA, Philippines – Inihayag na ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ngayong Huwebes ang kaniyang running mate para sa eleksyon 2016 na si Sen. Bongbong Marcos.

"I think we mutually chose each other," pahayag ni Santiago na nagdeklara ng kaniyang pagtakbo bilang pangulo nitong Lunes.

Hindi pa naman nakakapaghain ng certificate of candidacy si Santiago, habang nakapagpasa na si Marcos nitong kamakalawa.

Tatakbo muling pangulo si Santiago matapos aniyang masugpo ang kaniyang sakit na cancer.

Taong 1992 nang tumakbo si Santiago ngunit natalo kay dating Pangulo Fidel Ramos.

Show comments