Water level sa mga dam, tumaas dahil kay Kabayan!
Angie dela Cruz at Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - October 2, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Tumaas ang level ng tubig sa lahat ng mga dam sa bansa sa nakalipas na magdamag.

Ito ayon sa PagAsa ay dulot ng mga pag- uulan na dala ng bagyo.

Kahapon ng umaga, umabot sa 190.70 meters ang water level sa Angat dam bunga ng naranasang mga pag- uulan sa Bulacan na kinaroroonan ng naturang dam. Ang Angat dam ang nagsusuplay ng 90 percent ng tubig sa Metro Manila.

Umabot naman sa 17.22 meters ang naitalang water level  sa Bustos dam sa Bulacan kayat nabuksan ang kanilang  floodgates doon at nagluluwa ng 25 cubic meters per second na tubig.  

Umabot naman sa 101.15 meters ang water level ng Ipo dam at kung makaabot sa 101.50 meters ang level ng tubig  dito sa susunod na 24 oras ay magpapakawala sila ng tubig dito.

Nasa normal level naman ang La Mesa dam kayat walang dapat ipag- alala ang mga residente na nakatira sa ibaba ng naturang dam o malapit sa Tullahan river sa QC.

Samantala, nanatili  sa kanyang lakas ang bagyong Kabayan habang tinatahak nito ang hilagang Luzon.

Ayon kay Benison Estareja weather forecaster ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration (PAGASA), alas-11 ng umaga kahapon,  ang bagyong Kabayan ay nasa layong 70 kilometro ng hilagang kanluran ng Dagupan City, Pangasinan taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 65 kilometro bawat oras  malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na aabot sa 80 kilometro bawat oras.

Sinabi ni Estajera na  si Kabayan ay kumikilos pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 22 kilometro bawat oras.

Bunga nito, nakataas ang signal number 2 sa lalawigan ng La Union, Pangasinan habang nakataas naman ang signal number 1 sa mga lalawigan ng Benguet, Tarlac, Ilocos Sur at Zambales.

Ngayon Sabado ng umaga si Kabayan ay nasa 560 kilometro ng kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte  o inaasahang nasa labas na ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

ANG ANG ANGAT BENISON ESTAREJA BULACAN DAGUPAN CITY DAM ILOCOS NORTE ILOCOS SUR KABAYAN LA MESA NBSP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with