Brownout-free na Surigao sa El Niño tiniyak ni Petilla

MANILA, Philippines – Tiniyak ni dating Department of Energy (DOE) Secretary Carlos Jericho Petilla na hindi magiging problema ang brown-out sa lalawigan ng Surigao Del Norte kahit pa tuluyan nang tumama ang El Niño sa bansa.

Sa pagdalaw ng naturang kalihim sa lalawigan para ina­gurahan ang 10MW na diesel plant na pangangasiwaan ng Surigao Del Norte Electric Cooperative (SURNECO), sinabi nitong sigurado nang may alternatibong suplay ng kuryente ang mga residente doon sakaling tumaas ang pangangailangan sa nabanggit na panahon.

Sa larawan ay makikita si Petilla kasama ang ilang opisyal ng SURNECO at ang mga bisita habang pinagmamasdan ang pag-andar ng mga planta matapos na pasinayahan ng dating DOE secretary ang mga ito.

Show comments