DFA kinukumpirma kung may Pinoy sa Saudi stampede

Hindi bababa sa 700 katao ang nasawi sa stampede sa taunang Hajj pilgrimage sa Saudi Arabia. AP Photo

MANILA, Philippines — Kinukumpirma na ng Department of Foreign Affairs ngayong Biyernes ang ulat na may Pilipinong nadamay sa stampede sa Saudi Arabia na ikinasawi ng hindi bababa sa 700 katao.

Sa pinakahuling ulat ay nasa 717 katao na ang kumpirmadong nasawi, habang 863 ang sugatan, ayon sa Saudi civil defense directorate.

"Our Consulate General in Jeddah is verifying reports that one Filipino pilgrim died in the stampede in Mecca," pahayag ni Foreign Affairs spokesman Charles Jose.

Taon-taon ay daang-daang Pilipinong Muslim ang sumasama sa Hajj pilgrimage sa Mecca.

Nitong Setyembre 12 lamang ay higit 100 katao rin ang nasawi sa matapos bumagsak ang isang crane sa Grand Mosque sa Saudi Arabia din.

Show comments