Libreng sakay sa bus, handog ng San Miguel sa ika-125 taon
(Pilipino Star Ngayon) - September 20, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Inilunsad ng San Miguel Corporation ang libreng sakay sa mga piling air-conditioned bus simula nga­yong araw (Sept. 21) sa pagsisimula ng ika-125 anibersaryo ng kumpanya.

“This is an initiative that we believe resonates with our new slogan “Your world made better”. We want to make a positive impact on the communities that we serve – one good deed at a time, one person at a time,” wika ni SMC president and COO Ramon S. Ang.

Walong bus ng Metrolink Bus Corp na may stickers na “Your world made better” at ang hashtag na #SMCbetterworld ang tutulak para tumanggap ng mga pasahero mula Malanday hanggang NAIA simula ika-5:30 ng umaga. Sa hapon ay walong bus din ang tatahak ng rutang NAIA pa-Malanday simula 4:30 ng hapon.

Ang naturang espesyal na mga bus ay may libreng wifi, almusal, meryenda at iba pang papremyo.

Magkakaroon din ng celebrity guests sa piling araw upang pasayahin ang mga pasahero. Katulong sa gawaing ito ang mga employee volunteers na bahagi ng Team Malasakit ng SMC.

ACIRC ANG INILUNSAD KATULONG MAGKAKAROON MALANDAY METROLINK BUS CORP RAMON S SAN MIGUEL CORPORATION TEAM MALASAKIT WALONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with