DepEd nagluluksa sa pagyao ni Usec. Varela

MANILA, Philippines – Nagdadalamhati nga­yon ang mga opisyal at empleyado ng Department of Education  dahil sa pagkamatay sa ‘motorcycle crash accident’ ni DepEd Undersecretary for Finance and Administration Francis Varela, 47.

Sa pahayag ng DepEd, nawalan sila ng isang mahusay at masipag na opisyal na dedicated sa kanyang sinumpaang trabaho sa kagawaran.

Si Varela ay isa sa mga nagsusulong ng pagkakaroon ng ‘educational reforms’ na ang bawat sentimo na inilalaang pondo ng gobyerno sa kagawaran ay magamit sa pagpapatingkad ng kalidad ng edukasyon sa bansa.

Si Varela ay dead on arrival sa Padilla District Hospital sa Antipolo City kamakalawa ng umaga matapos dumulas at tumumba ang minamaneho nitong motorsiklo sa highway sa nasabing lalawigan.

Isang empleyado ng ospital ang nagsabi na isang Raymond Mallari ang nagsugod kay Varela sa pagamutan.

Show comments