Jesse Robredo Day idineklara ng Palasyo

MANILA, Philippines - Idineklara ng Malacañang na isang special working holiday ang kamatayan ni DILG Sec. Jesse Robredo sa buong bansa.

Sa RA 10669 na nilagdaan kamakalawa ni Pangulong Aquino, ipagdiriwang ang Agosto 18 kada taon bilang Jesse Robredo Day.

Agosto 18, 2012 nang namatay si Robredo nang bumagsak ang eroplanong sinasakyan niya sa bahagi ng dagat na sakop ng Masbate.

Matapos ang tatlong araw nang nakuha ang labi nito. Patay din ang dalawang pilotong sakay nito.

Dahil isang special working holiday ang Agosto 18 kada taon ay nangangahulugan na may pasok ito sa lahat ng tanggapan at may pasok din sa lahat ng paaralan sa buong bansa.

Show comments