Hanggang P1 rolbak sa diesel nakaamba

MANILA, Philippines – May nakaamba na namang bawas-presyo sa mga produktong petrolyo sa darating na linggo.

Maglalaro sa P0.90 hanggang P1.05 ang magiging bawas sa diesel habang P 0.40 hanggang P0.60 naman ang ibababa ng kada litro ng gasolina.

Sa kerosene ay P0.70 hanggang P0.90 kada litro ang tinatayang rollback.

Ito na ang ika-pitong sunod na magtatapyas sa presyo ng petrolyo ang mga kumpanya ng langis

Mula noong Hunyo 23, umabot sa mahigit P3.50 kada litro ng diesel habang P3 sa gasolina ang nabawas.

Show comments