GMA sinisi pa rin ni PNoy sa huling SONA

Si Pangulong Benigno Aquino III nang ipahayag niya ang kanyang huling State of the Nation Address sa magkasanib na sesyon ng dalawang kapalungan ng Kongreso kahapon. Nasa larawan din sina House Speaker Feliciano Belmonte at Senate President Franklin Drilon. Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines – Hanggang sa huling State of the Nation Address ni Pangulong Benigno Aquino III ay sinisi pa din nito ang administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Inisa-isa ni Pangulong Aquino sa kanyang huling SONA ang mga nadiskubreng anomalya ng Arroyo administration.

Isinisi pa din ng Pa­ngulo ang mga problemang kinaharap niya sa nakaraang administrasyon ni dating Pangulong Arroyo dahil minana lamang niya ang mga ito.

Aniya, isa-isang binigyan ng solusyon ng kanyang administrasyon ang mga problemang minana niya kay Mrs. Arroyo.

“Dinatnan natin ang taumbayang namanhid na sa walang humpay na alegasyon ng kasinu­ngalingan, pandaraya, at pagnanakaw. Ipinagma­laki sa atin, sapat na raw ang mga classroom, ‘yun pala umaabot sa apat na shift ang mga klase: may pumapasok na madilim pa, at may umuuwing madilim na, pero lahat sila naiwan sa dilim dahil hindi sapat ang oras ng pag-aaral. Uninterrupted growth ang ibinida ng ating sinundan sa kanyang huling SONA, pero nang suriin po, malaking bahagi pala nito ay galing sa remittances ng mga taong nawalan ng pag-asa sa Pilipinas. Ika nga po, ‘people were voting with their feet,” wika pa ni Aquino.

Show comments