Pinoy patay sa Libya bombing

File photo

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na isang Pinoy ang nasawi sa pambobomba sa Libya noong Marso 29.

Ayon kay DFA spokesman Charles Jose, iniulat ng Embahada ng Pilipinas sa Tripoli  ang pagkasawi ng Pinoy na hindi pa tinukoy ang pangalan.

Bunsod nito, muling nagbabala kahapon ang DFA at Embahada sa may mahigit 4,000 Pinoy na nalalabi sa Libya at hiniling na agad na magsilikas at umuwi sa bansa para na rin sa kanilang seguridad at kaligtasan.

Nasawi ang Pinoy sa rocket explosion sa Zawiya habang malubhang nasugatan ang tatlo pang Pinoy, isang African at apat na Libyans.

“Right now, because of the worsening situation there, we are intensifying our campaign to encourage our OFWs there to leave Libya and come back to the Philippines,” ani Jose.

Show comments