Taga-Cavite nasungkit ang P15M lotto

MANILA, Philippines – Taga-Cavite ang solong nakasungkit ng jackpot prize ng Lotto 6/42 nitong Sabado ng gabi.

Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairperson at General Manager Jose Ferdinand Rojas II, mula sa Bacoor ang nagwagi ng mahigit P15 milyong premyo. Tinamaan nito ang winning number combination na 19-10-5-37-16-3.

Wala namang nakakuha sa P30 milyon jackpot prize ng Grand Lotto 6-55 at winning numbers na 54-12-13-42-48-18.

Show comments