SK elections ipinagpaliban sa 2016

MANILA, Philippines - Tuluyan ng ipinagpaliban sa susunod na taon ang Sangguniang Kabataan (SK) elections matapos lagdaan na ni Pangulong Aquino ang batas para sa postponement nito.

Ayon kay PCOO Sec. Herminio Coloma, pinirmahan na ng Pangulo ang Republic Act 10656 na nagpapaliban sa SK elections at itinakdang ganapin ito sa huling Lunes ng October 2016.

Dahil dito, tuluyang hindi na matutuloy ang SK elections­ sa taong ito at gaganapin na lamang sa October 2016.

Show comments