Pacquiao kailangang ma-KO si Mayweather para manalo – Marquez
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2015 - 4:29pm

MANILA, Philippines – Kinakailangang ma-knock out ni Manny Pacquiao si Floyd Mayweather Jr. upang manalo, ayon sa matinding karibal ng Filipino boxing icon na si Juan Manuel Marquez.

Sinabi ni Marquez na hindi basta-basta ang undefeated American boxer kaya naman kinakailangan mapatulog siya ni Pacquiao.

“Mayweather has the defensive resources, technique, speed, and counter-attacks to do a lot of damage to Pacquiao, and I think he will impose [those traits],” wika ng Mexicano sa boxingscene.com.

Dagdag niya na hindi maaaring mapunta sa score cards ang desisyon ng laban dahil tagilid dito si Pacquiao.

“I know how judges perform in Las Vegas, as we saw that fight where Jose Luis Castillo beat [Mayweather]. However, [the judges] gave it to Mayweather and Pacquiao has no alternative but to knock Mayweather out to end his undefeated record,” wika ni Marquez.

Pareho nang nakalaban ni Marquez si Pacquiao at Mayweather kaya naman pinakikinggan ng mundo ng boksing ang kanyang mga komento.

DAGDAG FLOYD MAYWEATHER JR. JOSE LUIS CASTILLO JUAN MANUEL MARQUEZ KINAKAILANGANG LAS VEGAS MANNY PACQUIAO MARQUEZ MAYWEATHER MAYWEATHER AND PACQUIAO PACQUIAO
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with