PNoy pinangunahan ang nat'l day of mourning

MANILA, Philippines - Pinangunahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang  national day of mourning para sa 44 miyembro ng Philippine National Police Special Action Force (PNPSAF) na nasawi sa kanilang operasyon sa Mamasapano, Maguindanao.

Dumating bandang alas-10 ng umaga si Aquino sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Nakasuot ng barong tagalog ang Pangulo na may itim na armband.

Isa-isang nilapitan ni Aquino ang nga kabaong at nagbigay ng maikling dasal.

Nakiramay din si Aquino sa bawat pamilya ng mga nasawi bago iniabot ang medal of valor.

Bago dumating si Aquino ay nagbigay ng eulogy ang mga opisyal ng PNP.

Kahapon ay inulan ng batikos si Aquino dahil sa hindi pagsalubong sa mga labi ng mga pulis sa Villamor Air Base.

Dumalo si Aquino sa inauguraton ng planta ng Mitsubishi Motors sa Sta. Rosa City Laguna.

Show comments