^

Bansa

De Lima, no. 1 pick ni Brillantes sa Comelec

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Top choice ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes si Justice Secretary Leila de Lima na pumalit sa kanya bilang hepe ng Komisyon.

Ayon kay Brillantes, tiwala siyang si de Lima lamang ang may kakayahan na pamunuan ang kanyang iiwang posisyon sa susunod na buwan.

“Yung galit sa akin at laging inaaway ako, sya ang nirekomenda ko, si Justice Secretary Leila de Lima,” ani Brillantes.

Subalit ayon kay Brillantes, tinanggihan ito ni de Lima kasabay ng pahayag na “don’t push me too much.”

Una na ring sinabi ni de Lima na hindi siya interesado sa Comelec.

Sakali aniyang hindi tanggapin ni de Lima ang  posisyon inirerekomenda rin niya si Commissioner Roberto Lim, senior member ng Comelec.

Ayon sa ilang mga empleyado sa Comelec, kabisado at kapado na ni Commissioner Lim ang lahat sa Komisyon.

AYON

BRILLANTES

CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

COMELEC

COMMISSIONER LIM

COMMISSIONER ROBERTO LIM

JUSTICE SECRETARY LEILA

KOMISYON

LIMA

SAKALI

SUBALIT

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with