Bagong Comelec, Commission on Audit chiefs pinipili na

MANILA, Philippines - Nagsisimula na ang pagpili ni Pangulong Aquino sa mga magreretirong pinuno ng mga constitutional body tulad ng Commission on Audit (COA) at Comelec.

Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, nakatakdang magtapos ang mga termino nina COA chief Grace Pulido-Tan sa Feb. 6 at Comelec Chairman Sixto Brillantes sa Feb. 2 sa susunod na buwan at pinag-aaralan ng mabuti ng tanggapan ng Pangulo kung sino ang papalit sa mga ito.

Hindi naman nagbigay ng mga pangalan na kandidatong pumalit sa mga ito ang Palasyo pero may umuugong na kandidato na pumalit kay Brillantes ay si Pulido-Tan habang ang napipisil daw sa COA ay si BIR Commissioner Kim Henares. Samantala posibleng italagang BIR chief si Customs Commissioner John “Sunny” Sevilla.

Show comments