CAAP may advisory sa kanseladong flights

MANILA, Philippines – Nagpalabas ng advisory ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) dahil sa runway rehabilitation sa Daniel Z. Romualdez Airport, Tac­loban City kung saan limitado sa 1,300 metro ang runway simula December 17 hanggang December 25, 2014.

Dahil sa pangyayari kanselado ang Cebu Pacific flights simula sa December 22-25, 2014 tulad nang - 5J 651 / 652 Manila – Tacloban – Manila; 5J 653 / 654 Manila – Tacloban – Manila; 5J 657 / 658 Manila – Tacloban – Manila; 5J 659 / 660 Manila – Tacloban – Manila; 5J 428 / 429 Cebu – Tacloban – Cebu.

Ayon sa CEB, nagdagdag sila nang mga flights para sa mga nabalam na pasahero at maaari nilang i-accommodate sa ibang petsa.

Sa mga naapektuhang pasahero maaring tumawag sa (632)7020888 o +(6332)2308888.

Show comments