PNoy naglalaro rin ng ‘watusi’

MANILA, Philippines - Inamin ni Pangulong Aquino na naglalaro rin siya ng ‘watusi’ noong kanyang kabataan.

Sinabi ng Pangulo, bukod sa watusi ay nagsisindi rin siya ng lusis.

Idinagdag pa ng Pangulo na hindi niya naranasan ang mag-carolling noong kanyang kabataan dahil sa ipinagbabawal ang mahigit sa 3 katao ang nagtitipon dahil nasa ilalim ng Martial Law.

Isa-isang sinagot ni Pangulong Aquino ang mga tanong ng mga street children sa ginanap na gift giving sa Kalayaan grounds ng Malacañang.

Naghandog din ng pagkain ang Pangulo sa mga street children sa ginanap na Xmas party nito para sa mga kabataan.

Namigay din ng noche buena pack si PNoy sa mga street children bilang handog nitong pamasko kahapon.

Show comments