Ilang banko sa Dec. 29 lang bukas mula Dec. 24 - Jan. 4

MANILA, Philippines – Kasabay ng pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon ang bakasyon sa trabaho ng mga empleyado, kabilang ang mga nasa banko.

Inabisuhan ang publiko na planuhin ang paggastos ngayong panahon ng kapaskuhan dahil mula Disyembre 24 hanggang Enero 4, 2015 ay isang araw lamang magbubukas ang mga banko.

Idineklara ni Pangulong Benigno Aquino III na special non-working holiday ang Disyembre 24, 26 at 31 ng 2014 at Enero 2, 2015, habang regular holiday naman ang Disyembre 25 at Enero 1.

Tanging ang araw lamang ng Disyembre 29, Lunes, ang may pasok, habang ang Disyembre 27, 28, at Enero 3 at 4 ay weekends.

Show comments