Walang protective gear Garin sumipot sa Senado

Janette Garin. Galing sa Malacañang Photo Bureau

MANILA, Philippines – Sumipot kahapon si Health Acting Sec. Janette Garin sa Senado na walang protective gear para sa budget hearing ng Department of Health (DOH).

Nakuha pa ni Usec. Garin na makipag beso-beso kina Sen. Ferdinand Marcos Jr. at Sen. Bam Aquino bago magsimula ang budget hearing ng DOH.

Magugunita na binatikos ni Sen. Vicente Sotto III ang ginawa ni Garin na pagdalaw sa Caballo island kung saan sumasailalim sa 21-day quarantine period ang mga peacekeepers na mula sa Liberia.

Hiniling ni Sen. Sotto na dapat ay magsuot ng protective gear si Garin kapag nagtungo sa Senado pero hindi ito ginawa ng DOH undersecretary ng sumipot kahapon sa budget hearing.

Hindi lumapit si Sotto para makipag-beso beso kay Garin bagkus ay ginisa niya ito ng husto sa hearing.

Show comments