Trillanes: Binay walang isang salita
AJ Bolando (Pilipino Star Ngayon) - November 11, 2014 - 11:31am

MANILA, Philippines -- Hindi na nabigla si Senador Antonio Trillanes IV  sa pag-atras ni Bise Presidente Jejomar Binay sa kanilang debate.

Sinabi ni Trillanes ngayong Martes na inasahan na niya ang pagtiklop ni Binay sa nakatakda nilang debate sa Nobyembre 27 na inayos pa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas.

"In a way expected na po natin ito. Ever since hindi naman talaga siya mapagkakatiwalian," pahayag ng senador sa kanyang panayam sa dzBB.

Sa kabila nito ay nanghihinayang din si Trillanes dahil aniya ito sana ang pagkakataon upang madepensahan ni Binay ang kanyang sarili laban sa mga paratang sa kanya.

"Ito sana 'yung pinakamagandang opportunity para maipaliwanag niya ang kanyang side," ani ng senador.

"This will totally destroy whatever credibility he has."

Sa hiwalay na panayam sa radyo ay sinabi ni Trillanes na hindi walang isang salita ang Bise Presidente.

"Nagpapatunay na hindi mapagkakatiwalaan si VP Binay... wala siyang isang salita," komento ng senador sa kanyang panayam sa dzMM.

BINAY BISE PRESIDENTE BISE PRESIDENTE JEJOMAR BINAY BRODKASTER KAPISANAN NAGPAPATUNAY NOBYEMBRE SENADOR ANTONIO TRILLANES TRILLANES
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with