US magbabayad ng P87M para sa pinsala sa Tubbataha

MANILA, Philippines - Magbabayad na sa wakas ang Estados Unidos sa Pilipinas dahil sa pinsalang dulot ng pagsadsad ng isa nitong barko sa Tubbataha Reef noong Enero ng nakalipas na taon.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, nakatanggap siya ng kumpirasyon nitong Huwebes na magbabayad na ang Amerika ng P87 milyon para sa pinsala ng USS Guardian matapos itong sumadsad sa Tubbataha noong Enero 17, 2013.

“I received correspondence just yesterday that the US has agreed to pay the compensation and what is being done at this time is that the documentation is being prepared,” pahayag ni Del Rosario.

Inihatid ni Del Rosario ang naturang balita sa pagdinig ng Senado sa panukalang taunang budget ng Department of Foreign Affairs para sa susunod na taon.

Ayon kay Del Rosario, bago ang kumpirmasyon ng Amerika ay nagkaroon na ng kasunduan ang Pilipinas at ang naturang bansa na P87 milyon ang dapat bayaran para sa pinsala sa Tubbataha.

Show comments