PNoy handang makulong pagkatapos ng termino

MANILA, Philippines – Handang makulong si Pangulong Benigno Aquino III matapos ang kanyang termino sa 2016 kung sakaling pananagutin siya ng susunod na administrasyon dahil sa kanyang mga desisyon.

"If there is a situation where we will be back to an unjust judicial system, then that is a necessary consequence," matapang na pahayag ni Aquino ngayong Miyerkules sa Presidential Forum of the Foreign Correspondents Association of the Philippines.

Kumpiyansa ang pangulo na kaya niyang depensahan ang sarili mula sa kanyang mga desisyon, kabilang ang kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program.

Aniya hindi perpekto ang kanyang mga desisyon, ngunit iginiit na pinag-aralan itong mabuti.

Samantala, walang nakikitang mali si Aquino sa mga nagsasampa ng kaso labang sa kanya, ngunit kasabay nito ang babalang maaari na rin siyang maghain ng reklamo.

"I have the right also to file complaints against them for malicious lawsuits which I can do when I'm a civilian and no longer in this position.”

Show comments