P75K tax exemption sa bonuses ipapasa bago matapos ang 2014

MANILA, Philippines – Tiniyak kahapon ni Senate President Franklin Drilon na maipapasa bago matapos ang taon ang panukalang itaas ang tax exemption limit sa mga Christmas perks at iba pang bonuses.

Sinabi ni Drilon na sa isinagawang meeting kasama ang liderato ng House of Representatives, napagde­sisyunan na itaas ang tax exemption limit sa 13th month pay at iba pang benepisyo.

Tapos na ng Senate Ways and Means ang committee report tungkol sa panukala at ihaharap na ito sa debate sa plenaryo sa susunod na linggo.

Mula sa kasaluku­yang P30,000 na halaga ng bonus na libre sa buwis, ba­lak itong gawing P75,000.

Ang bersiyon ng nasabing panukala mula sa House ay naipasa na sa Senado noong nakaraang Setyembre.

Show comments