3 ex-solon, ex-DA sec. kinasuhan sa PDAF

MANILA, Philippines - Kinasuhan ng tanggapan ng Ombudsman sa Sandiganbayan si dating Congressman Prospero Nograles bilang caretaker-Representative ng 1st District ng Misamis Oriental makaraang mamatay si Rep. Danilo Lagbas at sina Congressmen Candido Pancrudo, Jr. ng 1st District Bukidnon,  Thomas Dumpit, Jr., 2nd District La Union at dating Agriculture Sec. Arthur Yap dahil sa maling paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) na may halagang P163.2 milyon.

Ang tatlo ay nahaharap sa kasong Malversation of Public Funds at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act para sa illegal disbursement at maling paggamit ng PDAF allocation para sa taong 2007 hanggang 2009 kung saan si Nograles ay may halagang P47.5 million, si Dumpit P66.5 million at Pancrudo P49.2 million.

Ganundin si Yap na kasamang kinasuhan sa pa­rehong paglabag.

Ang pagsasampa ng kaso ay resulta ng imbestigasyon ng Ombudsman sa PDAF scam na sinimulan noong July 2013 nang magsagawa ng sariling pag­busisi rito si Ombudsman Conchita Carpio Morales hinggil sa pork barrel scam.

 

Show comments