Bagong NFA chief itinalaga

MANILA, Philippines - Itinalaga kahapon bilang bagong administrator ng National Food Authority ang NFA veteran na si Atty. Efren J. Sabong, kapalit ng nagbitiw na si Arthur Juan.

Si Sabong na isang Career Executive Service Officer­ (CESO V) ay napili sa isang close-door deliberation ng NFA Council na kinabibilangan ng mga pinuno ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Development Bank of the Philippines (DBP), Land Bank of the Philippines (LBP), Department of Finance (DoF), Department of Trade and Industry (DTI) at representative mula sa Farmers’ sector.

Si Sabong ay assistant administrator for finance and administration bago nailagay sa bagong posisyon. Siya ay maikokonsiderang NFA veteran dahil nagsilbi siya sa ahensiya mula 1986 sa iba’t ibang posisyon sa central at field offices ng NFA.

Ang pagkakatalaga kay Sabong ay kauna-unahang nangyari sa kasaysayan ng NFA na ang isang assistant administrator ay naitalaga para pamunuan ang NFA nationwide.

Show comments