CJ Sereno walang sakit

MANILA, Philippines – Hindi naospital at walang sakit si Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

Ito ang paglilinaw kahapon ni Ma. Lourdes Oliveros, chief of staff ni Sereno kung saan sinabi nito na nagpasuri lamang at hindi sakit sa puso ang dahilan ng 15 days wellness leave  ng CJ.

Aniya, walang katotohanan ang balita na pumunta ng St. Luke’s Medical Center si Sereno para magpakonsulta sa isang cardiologist gaya ng lumabas sa isang pahayagan.

Nakasaad sa balita, nagkaroon ng stress-induced palpitations ang punong mahistrado dahil sa pakikipagtalo umano nito kay Associate Justice Brion, na sinasabi pang dalawang beses pinagalitan ni Brion si Sereno sa kanilang en banc deliberations.

Pinaliwanag ni Oliveros, sa loob ng wellness leave ay maaaring magpa-executive check up ang chief justice pero hindi ibig sabihin na naospital maliban na lamang kung talagang malisyoso ang magkukuwento.

Show comments