LRT, MRT magbibigay ng libreng sakay sa Sept. 19

MANILA, Philippines - Magbibigay ng lib­reng sakay ang Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) para sa mga government employees sa Setyembre 19, 2014.

Ito’y bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-114th anibersaryo ng Civil Service Commission (CSC) sa naturang araw.

Ayon sa LRT, ang libreng sakay para sa mga empleyado ng pamahalaan ay ma­aaring i-avail mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi sa naturang araw.

Kinakailangan lamang umanong magprisinta ng identification card ang mga ito sa guwardiya sa istasyon upang payagang sumakay sa tren ng libre.

Show comments