300 veterans namamatay kada buwan

MANILA, Philippines - Umaabot sa 300 mga beterano ang namamatay kada buwan na hindi man lamang nabibigyan ng sapat na atensyong medikal dahil kulang na kulang ang pasilidad ng pamahalaan upang matugunan ang pangangaila­ngan ng 500 milyong be­neficiaries ng mga ‘war veterans ‘ sa bansa.

Dahil dito kaya agad nakipag-uganayan si Defense Secretary Voltaire Gazmin kay Health Secretary Enrique Ona para muling buhayin at palakasin ang Veterans Hospitalization Program (VHP).

Alinsunod sa lumang VHP programs tanging sa mga pagamutan lamang na accredited ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) at ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) napagkakalo­oban ng hospitalization at medical care benefits ang mga Pinoy veterans at kanilang mga dependents.

Hiniling ni Gazmin kay Ona na isama na sana ang mga nalalabi pang World War II veterans at kanilang mga surviving spouses bilang benefi­ciaries ng DOH’s Universal Healthcare Program para mapagkalooban rin ang mga ito ng PhilHealth cards bilang sponsored members.

Kailangan na umanong madaliin ng DOH ang pag-e­enrol sa mga beterano sa PhilHealth insurance, para maisakatupatran ang layunin ng DND na: “no veteran should pay for his own medicines.”

Base sa istatistika ng PVAO may 14,013 na lamang ang buhay sa mga WW II veterans at 300 sa mga ito ang namamatay buwan-buwan.

Show comments