Serye ng protesta vs pork barrel, Chacha ikakasa sa mga unibersidad
Gemma Amargo-Garcia (Pilipino Star Ngayon) - August 21, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Magsasagawa ng sunud-sunod na protesta laban sa Pork barrel at Charter Change ang grupo ng kabataan sa mga unibersidad at eskwelahan sa kamaynilaan.

Ayon kay Kabataan partylist Rep. Terry Ridon, sisimulan nila ang serye ng protesta sa Biyernes, Agosto 22 na gaganapin sa mga eskwelahan na matatagpuan sa Intramuros, Mendiola, España, Katipunan Avenue sa Quezon City at Vito Cruz sa Padre Faura, Maynila.

Susundan ito sa Agosto 25 na isang indoor protest sa University belt school dakong alas-8 ng umaga at main protest sa Luneta ng alas-9 ng umaga.

Susugod din ang nasabing grupo sa Agosto 23 para naman sa paglulunsad ng Peoples Initiative na pangunahing layunin ay magpasa ng batas upang ma-abolish ang lahat ng uri ng pork barrel.

AGOSTO AYON BIYERNES CHARTER CHANGE KATIPUNAN AVENUE PADRE FAURA PEOPLES INITIATIVE QUEZON CITY TERRY RIDON VITO CRUZ
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with